6.05.2008 @ 3:42:00 PM
THIS IS THE HAPPIEST DAY OF MY LIFE.
Grabeh. One whole frickin day spent in UP. Medyo nilagkit na ako dun. Nalasahan ko na nga pala pawis ko. Ayon. Maalat-alat. Ang pinakamasaya dun yung part na nakapila ka sa may glass window ng CAL Faculty, habang umaalingasaw ang iba't ibang singaw ng mga sari-saring tao, at walang pumapansin sayo kahit anong mangyari. Lupet nun.
Eto pa. Adventure ITO. Sa isang building sasabihin sayo ganito. Tapos pagpunta mo dun, kabaliktaran naman sasabihin sayong procedure. Nakanaman. Yun siguro talaga ang nature ng mga empleyado ng gobyerno.
Ang hanep pa dun, sasakit mga paa mo sa paghanap ng mga department. Magkakalayo pa. Buti nalang andun si Manong Drayber ng dyip na walang ginawa kundi umikot lang ng umikot sa buong campus. Ang galeng. Kasawa din yun ha. Kahanga-hanga.
Yung general subjects din pala, wala din silang pakialam kung anong kukunin mo basta may ganito kang number of units na nakuha. Ganon. Walang lista. Walang kopya kung ano pede kunin. Wala. As in para kang bulag. Nangangapa lang. Himala.
Eto lang masasabi ko. Mapipilitan ka talagang mahalin ang course mo. Para bang nililigawan--paghihirapan mo talaga para makakuha lang ng slot at makapag-sign ka ng petition na i-open nila ulit yung isang subject. Tumba ako dun.
Hay. Minamahal kong UP.
0 comments
back to top?